Mandirigma 173

350.00

Author: Ellena Odde

About Mandirigma 173

“Chi, tara sa Kabila, may pacontest si Bathala.”


Hinihintay lang naman ni Chi sa beach ang bestfriend niyang nilamon ng Kpop, nang lumitaw ang pusang nagsasalita at asal millennial.

Tapos, napili na siyang isa sa mga Mandirigma sa pa-contest ni Bathala, susuungin ang mga misyon sa mundo ng mga engkanto. Dagdag stress pa ang kabataan problems niya sa mundo ng mga tao.

The struggle is real. Paano ni Chi lalampasan ang lahat ng mga ito?

Limang Mandirigma.
Dalawang mundo.
Isang malupit na adventure.

SKU: 8LB-SP-009 Category:

Description

About the Book

“Chi, tara sa Kabila, may pacontest si Bathala.”


Hinihintay lang naman ni Chi sa beach ang bestfriend niyang nilamon ng Kpop, nang lumitaw ang pusang nagsasalita at asal millennial.

Tapos, napili na siyang isa sa mga Mandirigma sa pa-contest ni Bathala, susuungin ang mga misyon sa mundo ng mga engkanto. Dagdag stress pa ang kabataan problems niya sa mundo ng mga tao.

The struggle is real. Paano ni Chi lalampasan ang lahat ng mga ito?

Limang Mandirigma.
Dalawang mundo.
Isang malupit na adventure.

About the Author

Isinilang at lumaki sa lungsod ng General Luna, isla ng Siargao, si Ellena Odde. Sa murang edad ay natuto siyang umakyat ng puno at mamitas ng kung ano-anong prutas, maghanap ng gagamba sa bukirin at maglaro sa kalye hanggang abutan ng dapit-hapon.

Sa kabila ng madalas niyang pagligo sa dagat ay hindi pa rin siya magaling lumangoy at may pagkakataong umaasa sa salbabida.

Lumaki rin siyang nakikinig sa kuwento ng kanyang ama’t lola tungkol sa mga engkanto’t aswang. Tuwing panahon ng tag-ani, mahahagilap siya sa bukirin kasama ang kanyang mga kababata at nagbabayo ng pang-pinipig sa gabi.

Sa kabila ng pagluwas upang magturo sa siyudad, hinahanap-hanap niya ang buhay sa isla. Lagpas man sa edad ng pagiging teenager, naghihintay pa rin siyang tawagin sa Kabila at sumali sa pa-contest ni Bathala.

Excited pa rin siyang simulan ang isang epic adventure bilang isang Mandirigma.

 

Additional information

Available Format

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.