Two Less Lonely People in the World | Lolakwentosera | Romance Novel

320.00

Description

Two Less Lonely People in the World | Lolakwentosera | Paperback

Genre: Romance

Yung inugat ka na sa kahihintay ng third movie nina Aga Muhlach at Lea Salonga, kaya sumulat ka na lang ng kwentong inspired sa kanilang dalawa. Bilang tagahanga ng LeAga loveteam si Lolakwentosera, pinilit niyang tuparin ang hiling ng maraming SANA MAULIT MULI ang kanilang pagsasama. Kaya, hala arya! Tayo na’t basahin ang kwento nina Nzo at Mia dahil may karapatan ding kiligin ang mga tito at tita noh, at ang umibig ay hindi lang exclusive sa mga bagets na gaya niyo.

Nag-viral ang music video ni Mia Salamanca nang isang gabing mag-mental breakdown siya at maglasing dahil sa lungkot ng pagiging soltera. Akalain ba niyang sikat siya at bininyagan sa Tawag na Tanghalan na, ‘The Drunken Diba’?

Habang bumubulusok ang showbiz career ni Mia, nawawala naman ang karisma sa masa ng beteranong aktor at dating 80’s and 90’s hearthrob na si Nzo Fuentes.

“Nzo, sa panahon ngayon para maging relevant ka, kailangan mong maging isang mema,” sabi ng manager niyang si Guy Hernandez. Kaya yun, napilitan si Nzo na makatrabaho si Mia na sumikat lang dahil sa social media. Papatok kaya ang tambalan nila sa mga netizens o magsasapawan ang dalawa sa pagsasabing sila ang ‘the chosen’?

Paano pagtatagpuin ang dalawang taong magkaiba ang mundo? Easy! Gawan mo sila ng dalisay na kwento dahil in the end, there will be two less lonely people in the world ‘coz love unites them as their stories unfold.

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.